-- Advertisements --
sim card

Iniulat ng Department of Informationa and Communication Technology na aabot na sa kabuuang 95 million ang bilang ng mga rehistradong SIM card sa bansa noong Mayo 10, 2023.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sa ngayon ay nasa 90 percent na inaasahang 100 hanggang 110 million potential registrants ang nakapagrehistro na ng kanilang mga sim card sa bansa.

Aniya, ito ay isang magandang senyales kasabay ng pagbibigay diin na dapat din aniyang samantalahin ng taumbayan ang mas pinalawig pang deadline ng SIM registration hanggang sa July 26, 2023.

Ngunit sa kabila nito ay muli ring nagbabala ang opisyal na dapat ay manatiling mapagmatyag ang bawat isa upang hindi mabiktima ng mga scammers na gumagamit ng mga fake SIM registrations sites upang mangolekta ng mga personal data.