-- Advertisements --

Sugatan ang siyam katao matapos na sila ay pagbabarilin sa Jasper County, Texas.

Naganap ang insidente sa isang party sa private residece kung saan mayroong 250 Jasper High School students nag nagtitipon-tipon sa taunang prom dance.

Ang mga sugatang biktima ay pawang nasa edad 15 hanggang 19 anyos na dinala ang mga ito sa pagamutan.

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga suspek na nasa likod ng nasabing insidente.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.