-- Advertisements --
Umabot sa siyam na katao ang sugatan sa nangyaring sunog sa tatlong palapag na dormitoryo sa Sylvia Street, Ermita sa Maynila.
Ang naturang sunog ay idineklarang fire under control mag-aalas-4:00 ngayong hapon.
Sa inisyal na report, ang mga nasugatan sa insidente ay kinabibilangan ng dalawang firemen, dalawang fire volunteer at limang sibilyan.
Nag-umpisa ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali na pag-aari ng isang Lope Consing.
Sa inisyal na pagtaya, humihit kumulang P5 million ang halaga ng pinsala ng sunog.
Aabot naman sa 100 hanggang 150 na pamilya ang apektado sa sunog.










