-- Advertisements --

Nasa siyam umanong international companies na nakapulong ng Philippine delegation sa sidelines ng World Economic Forum (WEF) ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na nasa limang kumpaniya ang kaniyang nakausap.

Si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual naman, nasa apat na kumpaniya ang kaniyang nakausap.

Ayon sa mga kalihim, ang pagtungo ng Philippine delegation sa Davos ay hindi naman upang mag-solicit ng proposal o letters of intent para mamuhunan sa bansa.

Sila aniya sa economic team, ang pinaka-goal sa pakikibahagi sa WEF ay maibenta o maipakilala ang ekonomiya ng Pilipinas at kahandaan nito sa mas malaking merkado.

Nasa siyam na international companies na nakapulong ng Philippine delegation sa sidelines ng WEF ang nagpahayag ng kanilang interes na mamuhunan sa bansa.