-- Advertisements --

NAGA CITY- Habang patuloy sa paglobo ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Bicol, sinabayan pa ito ng pagkalat naman ng African Swine Fever (ASF) sa Camarines Sur.

Sa panayam ngn Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA) Bicol, kinumpirma nito na maliban sa apat na banyan at isang lungsod, apat pang bayan sa Camarines Sur ay apektado ng ASF.

Ang mga bayan na ito ay: Canaman, Camaligan, Cabusao at Gainza.

Maliban dito, patuloy din aniya nilang kinukumpirma ang bagong report na may kaso na rin ng ASF sa bayan ng Pamplona.

Nabatid na una nang naitala ang kaso ng ASF sa mga bayan ng Bombon, Calabanga, Magarao, Minalabac at lungsod ng Naga.

Sa ngayon, ayon kay Bordado, nagsimula na silang mamigay ng pinansyal na tulong sa mga apektadong hog raisers kung saan umabot na sa mahigit 

P23-M ang kanilang naibigay kapalit ng mahigit 4,000 mga baboy na ipinasailalim sa culling operations.