BUTUAN CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya Apat ng Brgy. Taligaman nitong lungsod ng Butuan matapos ang brutal na pagpatay kaninang alas-onse ng umaga sa isang 9-anyos na batang babaeng itinago lang sa pangalang Inday, residente nga Purok 3 sa nasabing barangay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng ama nitong si Almirante Apat na adiser siya naglako ng isda ay nalaman niyang papuntang paaralan ang kanyang anak para sa Brigada Pagbasa kungsaan nakauwi pa umano ito sa kanilang bahay at kaagad na nakipaglaro sa iba pang mga bata.
Laking gulat na lamang niya nang sa kanyang pag-uwi ay sinalubong na siya ng karumal-dumal na kremin.
Blangko din ang ama sa gumawa nito sa kanyang panganay na anak dahil wala umano silang nakaaway sa kanilang lugar.
Napag-alamang mayroong mga taga sa ulo at likod ang biktima sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Nagpapatuloy din ang inilunsad na manhunt operation laban sa nakita ng mga saksi na lalaking naka-yellow t-shirt umano na lumabas sa lugar ng pinangyarihan bago natagpuan ang bangkay ng biktima.