-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas nang nakalabas ng Strait of Hormuz ang lahat ng 81 Pilipinong tripulante sakay ng apat na barkong nakarehistro sa Pilipinas.

Kabilang dito ang MV Lyng Trader, MV Western Doncaster, MV Vivian Trader at MV Eva Fuji, na lahat ay pinapatakbo ng mga Filipino seafarer.

Nakadaan ang nasabing mga barko sa strait noong huling linggo ng Hunyo.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ipinagpatuloy na ng karamihan sa mga barko ang kanilang regular duties habang ang iba naman ay nakauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Tumulong ang United Nations sa ligtas na pagdaan ng nasa 136 na barko at tinatayang 2,900 tripulante palabas ng conflict area.

Samantala, tiniyak naman ng DFA na ipagpapatuloy nila ang masinsinang pagsubaybay sa sitwasyon ng mga Pilipino at ang kanilang ligtas na pagdaan sa kritikal na lagusan.