-- Advertisements --

Kakaunti lamang ang bilang ng mga state universities and colleges (SUCs) nationwide ang may kakayahan na magsagawa ng online classes sa gitna ng crisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kanilang tantya, sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III nasa 20 percent lamang ng mga SUCs ang may kapasidad para sa online schooling.

Kaya naman tutulungan aniya nila ang mga SUCs na makapag-set up ng kanilang learning management system sa susunod na tatlong buwan.

Ayon kay De Vera, maari pa rin namang makapagsagawa ng aktwal na klase ang mga unibersidad at kolehiyo subalit dapat limitado lamang ito.

Sa ilalim kasi ng flexible learning na kanilang isinusulong, hindi obligado ang mga estudyante na regular na pumasok mismo sa paaralan,

“Maaaring by consultation, maaaring once a week na lang, or every other week papasok. Mas magiging konti ‘yung papasok so pwede mo na sila i-social distancing sa loob ng classroom. ‘Yung mga estudyante naman na kaya magfull online, siguro hindi na papasok regularly,” ani De Vera sa isang panayam.