-- Advertisements --
image 485

Aabot sa walong katao ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard mula sa nasunog na motorbanca sa bahagi ng Zamboanga Del Sur.

Sa ulat ng PCG, ang naturang mga indibidwal ay pawang mga tripulante ng motorbance Minyahad na nasunodg sa may katubigang sakop ng Philippine Ports Authority sa Margosatubig, Zamboanga Del Sur.

Ayon sa mga nasagip na biktima, nagkaproblema sa makina ang kanilang sinasakyang barko bago nangyari ang naturang insidente hanggang sa lumiyab ang makina nito at nagsanhi ng sunog ang tumagas na langis mula rito.

Isa sa mga nasagip ay nagtamo ng bahagyang pinsala at paso sa binti ngunit agad naman itong nalapatan ng paunang lunas habang ang nasa mabuting kondisyon naman ang iba pang mga kasamahan nito at napauwi na rin sa kanilang mga tahanan.