-- Advertisements --
Walong pasahero ang sugatan sa pagliyab ng apoy sa isang bagon ng MRT-3 kagabi.
Sa isang statement, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na ang mga sugatan ay kinabibilangan ng apat na babae at apat ding lalakeng pasahero.
Ang mga ito ay nagtamo ng minor injuries matapos na tumalon palayo sa nasusunog na bagon ng tren.
Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa lahat ng mga apektadong pasahero sa naturang insidente.
Sa ngayon ay patuloy nilang iniimbestigahan ang dahilan ng sunog at nangangako namang magpapatupad ng countermeasures para maiwasan ulit itong mangyari sa susunod.