-- Advertisements --

Walong katao ang kaagad na binawian ng buhay kasunod nang pagsabog ng isang suicide car bomb na ang target ay ang isang government convoy sa isang junction sa capital ng Sumalia na Mogadishu.

Ayon kay Abdiasis Abu Musab, military operations spokesperson, ang militanteng grupo na al-Shabaab ang siyang nasa likod nang naturang pag-atake.

Nais kasi ng naturang grupo na pabagsakin ang gobyerno at magpatupad ng striktong interpritasyon ng Islamic sharia law.