-- Advertisements --

Nasa walong katao ang nasawi matapos ang ginawang pag-atake ng Russia sa isang shopping center sa Podilskyi district, Kyiv sa Ukraine.

Nasunog pa ang gusali kasama ang mga nakaparadang sasakyan sa nasabing lugar.

Nagtulong-tulong ang nasa 63 bumbero para tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Ikinakabahala ng mga otoridad na posibleng tumaas pa ang bilang ng nasawi sa nasabing insidente.