-- Advertisements --
Patay ang walong katao na lulan ng Russian water-dropping plane nang bumagsak ito sa Turkey sa kasagsagan ng firefighting mission.
Ayon sa defense ministry ng Moscow, limang Russian servicement at tatlong Turkish nationals ang namatay sa plane crash.
Nauna nang sinabi ng defense ministry ng Russia na bumagsak ang Be-200 plane bandang 1330 GMT kung saan lulan ang walong crew.
Bumagsak ang naturang eroplano malapit sa southern Turkish city ng Adana. (Agence France-Presse)