-- Advertisements --
Patay ang walong katao sa central at southern Ukraine dahil sa pananalasa ng malakas na winter storm.
Umabot rin sa 19 na mga katao ang sugatan dahil sa matinding sama ng panahon.
Apektado rin ng sama ng panahon ang mga sundalo na nakapuwesto sa boundary nila ng Russia.
Dahil na rin sa sama ng panahon ay maraming mga residente sa 882 lugar ng Ukraine ang nawalan ng suplay ng kuryente habang maraming mga kalsada ang isinara.










