-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy ang paglikas ng ilang pamilya sa Lanao del Norte matapos salantain ng baha dulot ng bagyong Falcon.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Office of Civil Defense regional director Rosauro Arnel Gonzales, na posibleng umapaw ang mga ilog dahil bago pa dumating ang bagyo ay inuulan na raw ang lalawigan.

Bagamat sa Cagayan Valley nag-landfall ang bagyo nitong umaga ay dama raw hanggang Mindanao ang hangin at ulan na hatid nito.

Agad naman daw nag-volunteer ang mga residente mula sa walong apektadong bayan na lumikas.

Kabilang sa mga bayan na lubog sa bahay ngayon ang Lala, Salvador, Tubod, Sapad, Baloi, Nunungan, Sultan Naga Dimporo at Kapatagan.

Wala namang naitalang casualty ang pagsalanta ng bagyo sa lalawigan.

Sa ngayon kanselado muna ang pasok ng local government unit at klase ng elementary at high school.