-- Advertisements --

Nasa walong katao ang naaresto sa drug buy bust operations sa Quezon City.

Kabilang sa naaresto ang target ng operasyon kung saan apat dito ay nasa drug watchlist habang ang apat ay bago pa lamang na gumagamit ng iligal na droga.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay Sangandaan, Quezon City nitong Lunes ng gabi kung saan matapos na makabili ang pulis na nagpanggap na buyer ay agad nila nilusob ang bahay na kinaroroonan ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang 14 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalag ng mahigit P54,000.