-- Advertisements --

Tanging 8.979 million pamilya pa lamang sa kabuuang 11.5 million beneficiaries ang nakatanggap ng second tranche ng social aid para sa mga apektado ng COVID-19 lockdowns.

Ayon sa DSWD, P58.5 billion na ang halagang kanilang nailalapas makalipas ang isang buwan magmula nang simulan ng pamahalaan ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Mababatid na noong Mayo pa dapat natapos ang pamamahagi ng naturang ayuda, pero dahil sa ilang delays, itinakda ng DSWD ang 80 percent target noong Hulyo.

Pero nilinaw ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na sa ilang lugar sa bansa ang target nila ay matapos ang payout sa kalagitnaan ng Agosto.