KALIBO, Aklan — Nasa 76 na pribadong eskuwelahan ang nagsara ngayong school year 2022-2023 sa Western Visayas.
Ayon kay Dr. Hernani Escular, Jr. tagapagsalita ng Department of Education (DepEd) Region VI sa naturang bilang, 59 ang pansamantalang nagsara habang 17 ang permanenteng sarado na.
Aniya, kabilang sa mga dahilan ng pagsasara ang mababang bilang ng mga enrollees at pagkalugi dulot ng epekto ng pandemya.
Karamihan umano sa mga mag-aaral ay lumipat sa pampublikong paaralan dahil hindi na kaya ng kanilang mga magulang ang magbayad ng matrikula.
Ang mga paaralan sa bawat local government unit (LGU) na nagsara ay Iloilo province, 10; Iloilo City, 1; Passi City, 3; Guimaras, 9; Aklan, 6; Antique, 9; Capiz, 7; Bacolod City, 6; Bago City, 1; Cadiz City, 1; Negros Occidental, 7; Sagay City, 2; Silay City, 9; Kabankakan City, 1; San Carlos City, 4.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Escular na handa ang mga public schools na tumanggap ng mga estudyante mula sa mga nagsarang mga paaralan upang hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral.










