Nasa 76 katao ang inaresto ng mga kapulisan sa Los Angeles matapos ang naging magulong pagdiriwang ng magkampeon ang Lakers sa NBA.
Ayon sa Los Angeles Police Department, mayroong 8 mga kasamahan nila ang nasugatan ng magwala ang ilang mga Lakers fans.
Umabot kasi sa mahigit 1,000 mga fans ang nagtungo sa Staples Center para magdiwang sa kampeonato ng Lakers.
Nagwala lamang ang mga fans ng sila ay buwagin ng mga kapulisan dahil sa ipinapatupad na pagbabawal ng pagtitipon dahil sa coronavirus pandemic.
Isinara na rin ng California Highway Patrol ang ilang kalsada para mapigilan ang mga tao na magtungo sa Staple Center para magdiwang ng talunin ng Lakers ang Heat sa NBA Finals at nakuha ang 17th Championship title.
Ilan sa mga naaresto ay nagsasagawa ng pagnanakaw habang ang ilan ay nagva-vandalise.
Ipinagpaliban na rin ng koponan ang victory parade at party hanggang hindi natatapos ang COVID-19 pandemic.