MANILA – Aabot sa 74 volcanic earthquakes ang naitala sa magdamag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bulkang Taal.
“Including forty-six (46) episodes of volcanic tremor having durations of one (1) to four (4) minutes,” ayon sa bulletin nitong umaga.
Mas mataas ang naitalang bilang ng volcanic earthquakes na ito kumpara sa 55 na naitalang pagyanig kahapon.
Bukod sa volcanic earthquakes, mas mataas din ang naitalang antas ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan.
“Significant sulfur dioxide (SO2) emission that averaged 596 tonnes/day was measured yesterday, 13 March 2021.”
Noong Biyernes, aabot lang sa 58 tonnes/day ang level ng sulfur dioxide na na-record ng Phivolcs.
Sa ngayon nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang Taal volcano. Ibig sabihin, maaaring magkaroon ng mga aktibidad tulad ng “phreatic explosions at volcanic earthquakes” ang bulkan.
Gayundin ng “minor ashfall, at lethal accumulations or expulsions of volcanic gas.” Itinuturing daw itong banta lalo na sa paligid ng volcano island.
“DOST-PHIVOLCS strongly recommends that entry into TVI, Taal’s Permanent Danger Zone or PDZ, especially the vicinities of the Main Crater and the Daang Kastila fissure, must remain strictly prohibited.”
Umapela rin ang ahensya sa concerned local government units na patuloy na bantayan ang sitwasyon.
Pinaghahanda rin nila ang mga lokal na opisyal sa posibleng evacuation ng mga nakatira malapit sa Taal Lake.
“Civil aviation authorities must advise pilots to avoid flying close to the volcano as airborne ash and ballistic fragments from sudden explosions and wind-remobilized ash may pose hazards to aircraft.”