-- Advertisements --

Isang matandang pinay ang pinakabagong inatake sa New York City.

Sa isang pahayag ng Philippine Consulate General sa New York, naglalakad lamang ang 74 anyos na babae sa kahabaan ng Madison avenue ng bigla siyang sinuntok.

Tumakas naman ang suspek at hindi pa nahuhuli.

Sa ibinahaging video clip ni Gen. Elmer Cato, makikita na ang matandang ginang ay bumulagta sa lupa at nangyari ito sa kasikatan ng araw.

Matatandaan na ang pag- atake sa mga asyano, Asian-American at Pacific Islanders ay lumaganap noong magsimula ang pandemya.

Kaya naman nanawagan sa US government ang mga ganitong klaseng kaso dahil sa tumataas na bilang ng hate crime sa bansa.