-- Advertisements --
Tinatayang nasa 73 mga migrants ang nasawi matapos na lumubog ang sinakyang nilang bangka sa karagatan ng Libya.
Ayon sa International Organization for Migration (IOM), na mayroong pitong katao lamang ang nakaligtas at ito ay dinala na agad sa mga pagamutan.
Ang nasabing lugar ay siyang ruta ng mga migrants na magtutungo sa Europa.
Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga biktima ng nasabing paglubog ng bangka.









