-- Advertisements --
Nagsilang ng kambal na babae ang 73-anyos na ginang mula sa India.
Itinuturing si Errmatti Mangayamma ng southern Andhra Pradesh na siyang pinakamatandang babae na nanganak.
Nabuntis ito sa pamamagitan ng In vitro fertilisation o (IVF).
Inilabas ang bata sa pamamagitan ng caesarian section.
Naging malusog naman ang bata at ina matapos ang panganganak.
Ikinasal si Mangayamma at asawang si Raja Rao, 80-anyos noong 1962 at mula noon ay hindi pa sila nabibigyan ng supling kaya naisipan nilang sumailalim sa IVF treatment.