
Negatibo mula sa ginawang rapid antibody test ng COVID-19 ang higit 700 depot personnel ng MRT-3 at maintenance service provider nito, matapos mag-positibo ang 15 sa kanilang manggagawa.
Ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3), pinangunahan ng Philippine Coast Guard ang testing kahapon sa mga depot personnel ng kanilang hanay at kompanyang Sumitomo-MHI-TESP kahapon.
Magpapatuloy daw ang testing hanggang ngayong araw sa MRT-3 Depot, kung saan isasailalim sa RT-PCR confirmatory test ang mga magpo-positibo sa rapid test.
Ang mga ito raw ay papayuhan ding mag-quarantine habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test.
“Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang contact tracing sa 15 personnel na nagpositibo sa virus, na ngayon ay naka-quarantine hanggang sa sila ay gumaling.”
“Patuloy naman ang masusing paglilinis at pagdi-disinfect ng lahat ng opisina sa MRT-3 depot upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.”










