-- Advertisements --
Nasa pitong katao ang sugatan matapos ang naganap na mass shooting sa downtown ng Orlando, Florida.
Sinabi ni Orlando Police Chief Eric D. Smith na bago maganap ang pamamaril ay nagkaroon ng kaguluhan sa dalawang grupo.
Biglang bumunot umano ng baril ang isang suspek at pinagbabaril ang mga tao.
Nasa mabuting kalagayan naman ang mga biktima habang arestado ang suspek.