-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patay ang isang pedestrian habang pitong iba pa ang sugatan matapos bumangga ang isang wing van sa limang sasakyan at pedestrians sa Bais City, Negros Oriental kahapon ng hapon.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Bacolod, binabaybay umano ng wing van ang National Highway, Brgy. Hangyad, Bais City nang mawalan ng kontrol ang driver na si Arnel Limabag, residente ng Azagra Tanjay City, Negros Oriental at bumangga sa limang mga sasakyan at isang pedestrian.

Kabilang sa mga nasira ay isang pick-up, dalawang truck, isa pang pribadong sasakyan at isang motorsiklo.

Sugatan sina Antonio Yoldi, Harry Peter Star at asawa nito na si Marivic Pulvera, Saga Crisante, Walter Drilon, Rey Ann Acibo at pati na rin si Limabag.

Samantala, dead on arrival naman sa ospital ang pedestrian na si Alfredo Go, residente ng Brgy. Capiñahan, Bais City.

Kaagad na dinala ang mga biktima sa ospital habang si Limabag naman ay isinugod sa Bais City Police Station at nakatakdang sampahan ng kaso.