-- Advertisements --
Nasa pitong katao ang nasawi matapos na paulanan ng bala ng mga armadong suspek ang pampublikong swimming pool sa Guanajato, Mexico.
Ayon sa mga residente doon na nagulat na lamang sila sa pagdating ng mga suspek at walang habas na namaril.
Bukod pa sa mga nasawing biktima ay mayroong isang biktima ang nasa malubhang kalagayan na itinakbo na ito sa pagamutan.
Patuloy na tinugtugis ng mga otoridad ang mga suspek at inaalam nila ang nasabing motibo ng mga suspek.