-- Advertisements --
House Plenary Congress

Desidido na ang hanay ng oposisyon sa Kamara na magpasok ng mga miyembro sa mayorya ngayong 18th Congress.

Ito ang kinumpirma ni Caloocan Rep. Edgar Erice na nagsabing pito mula 18 nahalal na Liberal Party congressmen ang tatalon sa majority bloc.

Ayon sa kongresista, maiiwan sa minority bloc ang natitirang pito, samantalang independent si Albay Rep. Edcel Lagman.

“Balanse ang LP… ang bilang ko 7-7-1,” ani Erice.

Nilinaw ng kongresista na hindi mako-kompromiso ang interes ng oposisyon sa mga panukalang batas at issue kahit pa umanib ang ilan sa kanila sa hanay ng mga maka-administrasyon.

“Kaya nga balanse eh, iba ibang point of view.”

Sa Senado, apat pa ang nakaupong LP senators na sina Sen’s. Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima.