-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kalunos-lunos ang sinapit na pagkasawi ng 7 anyos na batang itinuring na umano’y special child nang sumiklab ang panibagong sunog sa Zone 8-A, Barangay Cugman,Cagayan de Oro City.

Kinilala ni Bureau of Fire Protection Cagayan de Oro Station spokesperson Fire/Insp Samson Velarde ang biktima na si Melan Emmanuel Sacala Sabit habang sugatan rin ang kasama nito sa bahay na si Melanie Bajas dahil sa sunog.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Velarde na nakalabas sana itong bata kasama ang kanyang lola subalit may binalikan kaya inabutan ng naglilibya na apoy.

Natukoy na nagsimula sa pangalawang palapag ng bahay ang apoy at kumulat sa ibang mga kabahayan sa lugar.

Nagtala ng kalahating milyong piso ang structural damage sa nabanggit na trahedya.

Kung maalala,halos 20 kabahayan rin ang tinupok ng apoy sa mismong lokasyon subalit walang naitala na anumang casualty noong Abril 30 ng umaga.