Isang pitong taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos na ilang beses ihambalos ng kanyang hubo’t hubad na ama sa kalsada sa Villa San Isidro Phase 2 sa San Rodriguez, Rizal.
Nahinto lang ang suspek nang sugurin ito ng kanyang kapitbahay at piliting agawin ang bata.
Naagaw ng kapitbahay ang bata pero huli na dahil sa lakas nang pagkakahambalos, ay nawalan nang malay ang bata hanggang sa bawian ng buhay.
Ayon sa Calabarzon Police dati ng may records na nasangkot sa iligal na droga ang suspek.
Lumalabas naman sa inisyal nila na imbestigasyon na kinandado muna ng misis ang kanyang mister dahil sa kahinahinalang kilos.
May mga pagkakataon kasi na bigla na lang itong nagwawala.
Sa kasamaang palad, nakatakas ang suspek.
Pagkatapos nito ay hinabol na ng suspek ang anak niya at nangyari na ang krimen.
Labis naman ang paghihinagpis ng ina ng biktima.
Hindi niya kasi lubos maisip na gagawin yun ng kanyang asawa sa kanyang anak nang walang rason.
Agad na naaresto ng mga pulis ang suspek at nakatulong ito pero matapos sumalang sa inquest proceeding ay pinag-uuntog ng suspek ang kanyang ulo.
Naisugod pa ito sa pagamutan pero dineklara nang dead on arrival (DOA).