Naniniwala ang 62% ng mga Pilipino na nasa tamang direksyon ang pamahalaan sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research, lumalabas na anim sa bawat sampung Pilipino na nasa tamang edad na ang naniniwalang nasa tamang landas ang administrasyong Marcos.
Naniniwala ang mga ito na nagawa ng kasalukuyang administrasyon ang mga programang pinakikinabangan ng mga tao.
Sa naging resulta pa rin ng survey, 20% sa kanila ang nagsabing hindi sila bilib sa takbo ng kasalukuyang administrasyon.
Sa 20% na ito, pinakamarami ang naitala sa Visayas Region.
Pinakamarami sa mga naniniwalang nasa tamang direksyon ang administrasyong marcos ay yaong mga taga-Mindanao, kung saan 70% sa kanila ang nagbigay ng positibong tugon.
69% naman ng mga taga-Metro Manila ang may positibong tugon, 58% sa Visayas, habang 57% lamang sa mga taga-Luzon(Balanced Luzon) ang naniniwalang tama ang direksyon tinutungo ng administrasyon.