-- Advertisements --

Tiniyak ni Angel Locsin na mayroon pang susunod na batch ng pamamahagi nila ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test kits.

Ito’y matapos ianunsyo na nasimulan na ng kanilang celebrity fund drive ang pagbahagi ng nasa 600 COVID test kits para sa mga stranded Bicolano sa Paranaque na dumulog sa kanila.

Gayunman, sa thank you letter ng Redemptorist Missionaries ng Baclaran at Probinsya ng Albay, isa ang nagkaroon ng “reactive” result sa virus kaya hindi muna pinayagan makauwi.

https://www.instagram.com/p/CBpM1CIFlpZ/

Ang mga nalikom na pondo ng naturang donation drive sa pangunguna ng 35-year-old actress ay mula sa mga ini-auction na gamit ng ilang celebrity tulad ng 2018 Miss Universe pin ni Catriona Magnayon Gray, sa halagang P250,000.

Angel Locsin 3

Wala namang nabanggit ang wife to be ng TV/film producer na si Neil Arce, hinggil sa panibagong body shaming sa kanya matapos kumalat ang umano’y mga larawan kung saan labis ang naging pagtaba sa panahon ng quarantine.

Samantala, ipinaabot ni Angel ang pagbati sa ama sa kabila ng pagiging abala sa humanitarian missions.

Angel Locsin dad