-- Advertisements --

Patay ang anim na katao dahil sa pananalasa ng bagyong Ciaran sa Rome, Italy.

Nagtala rin ng maraming mga katao ang naiulat na nawawala sa Tuscany kabilang ang isang bumbero na nahulog sa canal sa Veneto region sa northeastern Italy.

Nawalan din ng suplay ng kuryente ang nasa 40,000 na residente ng Tuscany dahil sa hagupit ng bagyo.

Binaha naman ang industrial area sa Prato malapit sa Florence kung saan nalubog sa tubig baha ang lugar.