-- Advertisements --
Patay ang anim na katao matapos na bumangga ang truck at sumabog ang truck na may kargang 60 toneladang liquefied natural gas sa Mongolia.
Kabilang sa nasawi ang tatlong bumbero na nagrespondes sa sunog sa Ulaanbaatar.
Nasa 11 katao rin ang nasugatan sa insidente na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.
Nasira ang ilang gusaling kalapit kung saan nangyari ang pagsabog.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.










