-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos bumagsak ang helicopter na kanilang sinasakyan sa Nepal.

Naganap ang insidente ilang minuto matapos ang kanilang take-off malapit sa Mount Everest.

Patungo ang Manang Air chopper sa Kathmandu malapit sa Lukla ng hindi na makontak ito 10 minuto matapos mag-take off.

Ayon sa Civil Aviation Authority ng Nepal na agad naman nilang nahanap ang mga nasawing biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng nasabing helicopter.