-- Advertisements --

Nasa anim katao ang nasawi sa naganap na missile attack ng Russia sa Toretsk, Donetsk region ng Ukraine.

Nakita ang limang bangkay sa gumuhong bahay ng tamaan ng missile sa Donetsk region.

Ayon sa Ukrainian military na tila nagsasagawa ng regrouping ang mga Russia bilang opensiba malapit sa Sloviansk.

Noong 2014 kasi ay sinakop ng pro-Russian separatist ang lugar na kanilang hinawakan ng mahigit tatlong buwan.

Una ng ipinag-utos ni Russian Defence Minister Sergei Shoigu sa mga sundalo nila na sirain ang mga long-range missile at artillery weapons ng Ukraine.