-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos ang banggaan ng dalawang World War II na eroplano sa ere ng Dallas.

Ang eroplano na single-pilot Bell P-63 Kingcobra at Boeing B-17 Flying Fortress ay kabilang sa Wings Over Dallas Airshow.

Kabilang sa nasawi ang dalawang retiradong piloto nila.
Wala namang nasugatan o nasawi sa mga nanonood dahil ang B-17 ay mayroong apat o hanggang limang crew.

Tinawag ni Dallas Mayor Eric Johnson na isang “Terrible Incident” ang pangyayari.

Ang B-17 bomber ay may malaking papel para maipanalo ng US ang giyera kontra sa Germany noong World War 2.