-- Advertisements --
image 763

Naglabas ang state weather bureau ng General Flood Advisory sa anim na rehiyon sa buong bansa.

Ito ay dahil sa mga malalakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Jenny sa malaking bahagi ng bansa.

Kinabibilangan ito ng Region 4B (MIMAROPA), Region 5 (Bicol Region), Region 6 (Western Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 9 (Zamboanga Peninsula),
Region 13 (Caraga Region).

Mula sa anim na nasabing rehiyon, narito ang mga probinsyang maaaring makaranas ng malalakas na ulan at mga pagbaha: Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Albay, Guimaras, Antique, Iloilo, Aklan, Negros Occidental, Capiz, Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga Zibugay, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Del Norte, Agusan Del Sur, Agusan Del Norte, at Surigao Del Sur, .

Batay sa advisory, maaaring makaranas ng pag-angat sa lebel ng tubig sa mga kailugan at tributaryo ng mga ito, kasama na ang posibilidad ng pagguho ng lupa sa mga kabundukan o matataas na lugar.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga nakatira sa gilid ng kabundukan, kasama na ang mga nakatira sa mga low-lying areas na obserbahan ang paggalaw ng mga katubigan, anumang oras.