-- Advertisements --

Anim na bata ang namatay sa Gaza dahil sa dehydration at malnutrition, ‘yan ang kinumpirma ng Health Ministry ng Palestine. 

Mayroon pang pitong bata ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa isang pahayag, humihingi na ng tulong sa international agencies si Health Ministry spokesperson Ashraf al-Qudra upang hindi na lumala pa ang humanitarian catastrophe sa northern Gaza.

Dagdag niya pa, dumadaan ang international community sa moral and humanitarian test sa pagpigil ng genocide na nangyayari umano sa Gaza.

Ilang ospital sa Gaza ang nawalan ng serbisyo ngayong linggo dahil naubusan na umano sila ng gasolina na ginagamit nila sa kanilang generator.