-- Advertisements --

Nagpakalat na ng nasa 6,000 kapulisan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila upang tiyakin ang seguridad sa rehiyon ngayong ika-124 na Araw ng Kalayaan.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa posibleng pagdating ni outgoing President Rodrigo Duterte na inaasahang dadalo sa Independence Day rites na gaganapin sa Rizal Park sa bahagi ng lungsod ng Maynila.

Ayon kay NCRPO spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson, nasa 2,000 kawani ng pulisya ang itinalaga sa apat na flag-raising ceremonies na gaganapin ngayon araw sa magkakahiwalay na lugar sa mga bahagi ng Maynila, San Juan, at Caloocan City.

Naka-standby na rin aniya ang personnel ng lima pang police district sakaling kailangan ng dagdag na pwersa ng iba pang police units.

Wala pa naman natatanggap na ulat at namomonitor na anumang untoward incident ang kapulisan sa mga oras na ito.