-- Advertisements --
Patay ang nasa limang high school students matapos na sila ay pagbabarilin sa Salamanca, Mexico.
Base sa imbestigasyon, pinagbabaril ng isang suspek ang grupo ng mga mag-aaral.
Kinabibilangan ito ng tatlong lalaki at dalawang babae na edad mula 16 hanggang 18 ganun din ang isang 65-anyos na babae na nasa lugar.
Sinabi ni Guanajuato Mayor Cesar Prieto na agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente.
Magugunitang noong nakalipas na dalawang linggo ay walong babae at dalawang lalaki ang pinagbabaril sa paghihiganti ng isang gand sa dalawang bar at hotel sa Celaya.