Sinimulan ngayong araw ng Lunes, June 27 ang pagpapatupad ng gun ban sa Metro Manila bilang security measures para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr sa Huwebes, June 30.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang gun ban o ang suspension of permit to carry firearms outside residence ay magiging epektibo hanggang sa hulyo 2 upang mapigilan ang banta ng anumang kriminalidad sa araw ng inagurasyon.
Sa ngayon, sinabi ni PBGen. Roderick Augustus Alba na nangangalap ang PNP ng impormasyon at plano para sa guidelines ng gun ban implementation labialng ang rerouting at traffic plans.
Magsasagawa din ng isang interagency press conference bukas para sa pag-review ng guidelines na ipapatupad ng PNP para sa preparasyon ng inagurasyon ni President-elect Marcos Jr.
Nauna ng sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa mahigit 15,000 personnel mula sa PNP, Armed Forces of the Philippines at iba apng government offices ang ipapakalat para tiyakin ang seguridad sa inagurasyon.










