-- Advertisements --
image 18

Inaasahang maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan.

Una na rin aniyang tiniyak ng Banner Plasticards, Inc. na magagawa nila ang nasabing serbisyo, bago pa man pumirma ng kontrata.

Ayon kay Mendoza Jr, sapat na ang 500,000 plastic cards kada buwan upang matugunan ang backlog na hanggang sa 900,000 driver’s license cards.

Ang karagdagang supply ang magsisilbing stock na aniya ng LTO.

Maalalang nitong nakaraang linggo ay tinanggap na ng Department of Transportation ang kabuuang 5,000 plastic cards mula sa Banner, bilang paunang supply ng plastic cards sa bansa.