
Nakapagtala ng bagong 580 kaso ng covid-19 infections ang Department of Health (DOH) kayat umakayat pa ang kabuuang aktibong kaso sa 12,162.
Base sa latest data mula sa DOH, ang aktibong kaso ay nagkaroon ng pagtaas na nasa 11, 779 noong nakalipas na araw dahilan para lumobo pa ang kabuuang covid-19 tally sa bansa sa 4,066,527.
Nananatiling may pinakamaraming kaso na naitala ay sa National Capital Region (NCR) na nasa 2,383 sa nakalipas na linggo. Sinundan ito ng Calabarzon na nasa 1,179, Central Luzon na nasa 546, Western Visayas na may 329 at Cagayan Valley na nasa 277.
Nadagdagan din ang bilang ng mga dinapuan ng covid-19 na nkarekober na nasa 3,988,911 habang ang death tally naman ay umabot nasa 65,454.
Samantala, iniulat naman ng DOH na walang naobserbahang significant increase ng covid-19 cases matapos ang holiday celebrations.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa average na 426 na lamang ang mga kaso kada araw na 28% na mas mababa kumpara sa nakalipas na mga linggo.










