-- Advertisements --

Itinuturing na magandang balita at pampalakas ng morale ng Department of Health (DoH) ang paggaling ng limang pasyente ng COVID-19 at pagbaba ng bilang ng mga nagpositibo, kumpara sa mga nakalipas na araw.

Batay sa inilabas na data ng DoH, umakyat na sa 57 ang bilang ng mga gumaling, matapos ang gamutan at quarantine period.

Pinakamababa rin para sa linggong ito ang 76 na positive cases.

Sa ngayon, may kabuuang 3,094 ang infected ng nasabing virus.

Samantala, nagpa-abot naman ng pakikiramay ang kagawaran sa mga kaanak ng walong nadagdag na fatalities.

Dahil sa walong bagong binawian ng buhay, umaabot na ngayon sa 144 ang mga namatay sa Pilipinas dahil COVID-19.