-- Advertisements --
IMG 20200624 132632

Nakadaong ngayon sa Pier 15 sa Maynila ang 5,400-passenger cruise ship Norwegian Joy.

Base sa impormasyon, may mga paparating pa raw sa bansa na mga cruise ship at sa ngayon ay nasa 16 ang mga nasa Manila Bay.

Base sa Facebook post ng mga kaanak ng nasa cruise ship, may mga hinahatid daw ang mga crusie ship na mga crew employee sa iba’t ibang bansa dahil wala ng eroplanong masasakyan ang mga ito at may parating pa sa July.

Sinabi rin ng mga Pinoy na kamag-anak ng mga nasa cruise ship na nasa 1,500 daw ang crew ng barko at 50 percent dito ay mga Pinoy.

Ilan sa mga features na matatagpuan sa mga cruise ship ang wave pool at hot tubs, live bands, aqua sports, movie tuwing gabi, kids pool, aqua park, spa, galaxy pavillion arcade at go cart.

Ang naturang cruise ship ay may habang 326 meters at mayroong 1,925 cabins.