-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lumahok sa programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang abot sa 53 Person with Disability o PWDs na may mababa o halos walang kinikita o no income sa Kidapawan City.

Pinangasiwaan ito ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa isang aktibidad na ginanap sa City Convention.

Nagmula sa mga barangay ng Amas, Poblacion at Sudapin na pawang mga priority barangays naturang bilang ng PWD.

Layon ng naturang programa na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga PWD na miyembro naman ng iba’t-ibang samahan ng PWD sa lungsod.

Lubos ang kagalakan ni City Mayor Joseph A. Evangelista dahil sa pamamagitan nito ay maoorganisa na ang mga PWD sa bawat barangay at mas magpapabilis sa pagbibigay sa kanila ng mga proyekto at ayuda ng gobyerno.

Nagpasalamat din ang mga benepisyaryo at ang kanilang mga pamilya dahil sa nabigyan sila ng pansin at pagkakataon na humawak at palawigin ang proyektong pangkabuhayan mula sa gobyerno.