-- Advertisements --
Sugatan ang limang katao sa drone attack umano ng Ukraine sa railway station sa Russia.
Ayon sa mga otoridad sa Russia na tumama ang drone sa Kursk region at mayroong isa rin sa Rostov region subalit walang naitalang injury.
Napigilan naman ng Russia ng isang drone strike sa Moscow.
Bagamat hindi inako ng Ukraine ang insidente ay naghayag si Ukraine President Volodymyr Zelensky na ang tama lamang ang mga nagaganap na drone strike sa Russia.
Ang nasabing drone strike ay naganap ilang araw matapos ang pagtama ng Russian missile sa Chernihiv City Ukraine kung saan pitong katao ang nasawi.