Naaresto ng US ang limang katao na pinaniniwalaang mga Somali nationals matapos na sila ay sumampa sa tanker ship sa karagatan ng Yemen.
Ayon sa Pentagon na ang limang armadong suspek ay nagtangkang tumakas palayo sa M/V Central Park tanker matapos na rumesponde ang US destroyer at mga kaalyadong barko nila.
Sinabi pa ni Pentagon spokesman Brigadier General Pat Ryder na dahil sa ginawang pagresponde nila ay boluntaryong sumuko rin ang mga suspek.
Base sa imbestigasyon nila tinangka ng mga suspek na buksan ang cabin ng barko subalit mabilis na naisara ng mga crew ito kaya sila ay nabigo.
Inakala ng mga suspek na ang barko ay pag-aari ng mga Israel.
Ang nasabing tangkang pag-hi-jack sa barko ay sinundan ng pagpapalipad ng dalawang ballistic missiles mula sa lugar na kontrolado ng Houthi rebels sa Yemen.
Kasama sa mga crew na nailigtas ang mga Filipino kung saan ayon sa Pentagon ay nasa mabuting kalagayan na ang mga ito.