Pinapaaresto na ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr ang limang pulis sa Manila Police district na sangkot sa robbery holdap sa isang negosyante sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ng PNP chief na inatasan na niya ang Manila Police District (MPD) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para arestuhin sina Staff Sgt. Ryann Tagle Paculan, SSgt. Jan Erwin Santiago Isaac, Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol, Patrolman Jeremiah Sesma Pascual at Pat. John Lester Reyes Pagar.
Nanawagan ito sa boluntaryong sumuko na lamang ang mga ito at harapin ang reklamo sa kanila.
Una ng tinanggal sa puwesto ang mga nakatalaga sa Manila District Police Office Intelligence Operations Unit dahil sa ginawang pagnanakaw umano at paghingi ng pera ng nasa P40,000 ng limang pulis sa isang may-ari ng computer shop sa Sampaloc, Manila na nag-ooperate umano ng online gambling nitong gabi ng Miyerkules.